Glitter Text Graphics - http://www.sparklee.com Dear Diary... A Lifetime Memory!
Ang mga bagong kwento ni Sexy tungkol kay Macho.
Tuesday, September 1, 2015 | 0Superstar (s)!

Dear Jadie,

Hi, kumusta? Ako ulet ito si Sexy. Naalala mo pa ba ako? Ako yung sumalat sayo tungkol dun sa sachet ng pink na pH care na nakita ko sa banyo ni Macho. Naalala mo na? 

Sana hindi ka busy sa mga oras na ito at sana din nasa mood ka pag-ukulan ng panahon itong munting liham ko. Gusto ko lang sana i-update ka tungkol sa amin ni Macho. Hindi ko na matandaan kung kelan pa yung huling sulat ko sayo pero sa ngayon mahigit isang taon na kaming FWBPF ni Macho. To be exact, one year and two months na din mula noon. Marami-rami na din ang nangyari. Hindi ko lang mai-share sayo lahat ng detalye alam mo na for privacy purposes. Tungkol pala dun sa hinala ko dati, tama nga yung 2nd analysis ko... May iba pa ngang babae si Macho! At ang exclusive pasabog pa nito ay, si girlaloo ang the legal one. As in official gf! Paano ko nalaman? Kasi nga simula nung pH care incident, sinimulan ko nang gamitin yung researching skills ko gamit ang little bit of information na meron about him. And then, boom! Yun na nga confirmed may Honey na si Macho. I'm not the only one and worst I'm not his number one. Oh di ba kaloka! Mega arte kami like bf-gf with no labels tapos ang eksena the other woman lang pala ang peg ng beauty ko. Pero macoconsider ko nga ba ang sarili ko na pakbet? Kung technically ay wala naman talaga kaming "affair" as in label or relationship. Medyo hindi pa din kasi malinaw saken yung part na yun. Ano sa palagay mo? O in denial lang ako na isa nga ako sa kampon ni Anne Curtis at Maja Salvador? Well, sa mga characters that they portrayed lang naman. 

Maybe you are wondering kung anong ginawa ko after ko madiscover ang big secret ni Macho. Knowing me, siempre I became rational about the situation that everything that is going on between us was a big mistake. I told myself that I should stop whatever it is that we have. But I didn't! Yeah, I DIDN'T! I never told him that I already know everything. At first, I don't know why I didn't tell him. I'm trying to convince myself that everything is okay and I just need to pretend that I know nothing. But who am I lying to? Myself... right? 

I still continued to communicate with him but I tried to keep distance from him. I did it for two months. I never went out with him. But he keep on asking me out. I always have an alibi. He felt that there's something wrong going on with me. He asked me if I'm angry with him kase nga there are times na ayoko magreply sa mga messages nya. Palagi akong may excuses and alam nya na I was lying and umiiwas ako sa kanya. Hindi ko pa din sinabi yung real issue ko sa kanya. Then we came to a point na napag-usapan namin yung tungkol samen. He told me that he is not the "commitment type." He made it clear na there is nothing serious between us. Yes, I know that because he is already commitment with someone else. I can still remember yung message nya na... "Maiintindihan ko kung iiwasan mo na ako. Gusto ko din naman na magkaroon ka ng real bf." I only replied him with... "Okay." May mga ibang issues pa kami na sinettle that time. Ayoko na sabihin pa lahat, it's between the two of us na lang. 

Akala ko after that convo, we are done. Pero hindi pa pala. Continues pa din yung pagmemessage at pagyayaya nya lumabas. Pumayag ako ulet, noong una pinagbigyan ko lang sya pero the next thing I know nasundan pa nang nasundan ang pagkikita namin. Hanggang sa naramdaman ko na I'm not yet ready to push him away. I'm still enjoying having him around kahit alam kong hindi dapat, hindi tama. Hinahayaan ko lang ang sarili ko na gawin ang mga bagay na ito. Ayoko pa syang mawala eh. I like the attention that he was giving me. I feel so special. I feel wanted. Oo aaminin ko, masaya kasi ako kasama sya. Sabi ko noon sayo na naglagay ako ng malaking wall between us na bawal mainlove, pero sa bawat moment na kasama ko sya ang hirap din iwasan na di mapalapit yung loob ko sa kanya. He's really a boyfriend material. Bakit ba kasi sa ganitong sitwasyon pa kami nagkakilala? And besides nakaka-guilty din naman na may niloloko at masasaktang babae dahil sa pinaggagagawa namin. 

Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero di ko alam kung paano. Ano ba talaga ako sa kanya? Bakit kailangan nya mag-cheat kay Honey? Does he even really love her? Hanggang kelan ako magpepretend na hindi ko alam ang totoo? Hanggang kelan kami ganito? Makukuntento na lang ba ako na nakikishare lang sa pag-aari na ng iba? Paano kung tuluyang mahulog ang loob ko kay Macho? 

Yan lang naman ang ilan sa mga tanong na nasa isip ko. The more na ipagpatuloy ko ang lahat ng ito, the more na nagiging complicated ang sitwasyon. Alam ko naman sa sarili ko na ako lang din ang makakasagot sa mga tanong ko. Ako lang din ang makaka-figure out kung ano ang nararapat kong gawin. Nasa akin pa din ang desisyon. For now, hindi ko pa alam kung ano at paano ang dapat ko gawin. I just hope na sa huli yung tama pa din ang piliin ko kasi kung hindi for sure ako lang ang talo sa larong ito at ako lang din ang masasaktan. Hahayaan ko pa bang umabot ganoong punto? Hay! Ang lovelife ko bakit ba ganito?

Anyway, yun lang naman. Gusto ko lang iupdate ka and para na din may mapaghingahan ako ng mga pinagdadaanan ko. I hope we can have a real talk some other time. I would definitely love to know your story and your thoughts about some other stuffs. Thank you in advance for reading my letter. Till next time. Have a great time. :)


Muling nagpaparamdam,
Sexy

Labels: , , , ,



Older Post | Newer Post
About Me


I'm Jen'Lein Jade Larosa Guan, a writer and poet by heart, artistic, creative, intuitive, imaginative, drama queen... always in the midst of soul searching, blogger, a certified FOODaholic.


My Diary Posts My Profile

Credits!

Template by : Cherrybam and NadyaWiwit
Basecode by : Nadya
Header by : Munirah
Sidebar coding : Kak Fatin Full Edited : Jen'Lein Jade Larosa Guan

Best View at GOOGLE CHROME!