Glitter Text Graphics - http://www.sparklee.com Dear Diary... A Lifetime Memory!
The Pakbet Playlist
Friday, August 21, 2015 | 0Superstar (s)!

Naalala mo pa ba ang mga eksena nina Monica at Nicole sa teleryeng "The Legal Wife?" Eh, ang mga batuhan ng linya, sampalan at sabunutan nina Anne Curtis at Cristine Reyes sa pelikulang "No Other Woman?" Malamang hindi-hindi mo ito makakalimutan. Bawat dialogue at eksena kasi nito ay damang-dama at tagos na tagos sa puso ng mga manonood maging team legal wife o team other woman ka man. Bet na bet natin ang mga kwentong ganito dahil bukod sa intense ang mga drama ay aminin na nating nangyayari talaga ito sa tunay na buhay. 

Kapag ganitong mga kwento, palaging na kay number 1 ang simpatya ng manonood. Pero paano naman si number 2? Di mo ba naisip na tao lang din siya, marunong magmahal, masaktan at maaring nagmahal lang siya sa di tamang tao at di tamang pagkakataon. At dahil ba other woman sya ibig sabihin masama na syang tao at pwede mo nang husgahan ang buo nyang pagkatao? 

In the first place, bakit nga ba kase may other woman? Tumi-third party kahit hindi naman invited. Ang sagot, isang malaking EWAN! Iba-iba naman kasi ang sitwasyon. Pwedeng hindi sila aware na may number 1 na pala. Pwede ring gusto nila yung thrill na may ka-secret affair sila. Yung iba, nothing serious just for fun. Maari din namang tulad ng sinabi ko kanina, nagmahal lang sila with the wrong person at the wrong time. Well, that's a lame excuse I know. Pero mahirap labanan ang puso di ba. Whatever reasons they have, for sure hindi naman nila ginustong maging pakbet. Maybe they don't have a choice but to settle with what they have just to fulfill their own happiness. Huwag natin silang basta i-judge. Tulad ng mga broken hearted out there, meron din silang mga pinagdadaanan sa buhay. May mga pinaghuhugutan. Malamang dinadaan-daan din nila sa mga kanta ang pagsesenti nila. Kaya kung may "Breakup Playlist" meron din dapat "Pakbet Playlist." 

KAHIT NA BAWAL by Alon

Sabi nga sa kanta, kahit na bawal ang pagmamahalan ligaya na para sa mga pakbet na mayakap at mahagkan ang kanilang mahal. Kahit nasasaktan ay kinakaya nila. Di nagsisisi kahit sila ay pangalawa lang. At sa tuwing sila ay magkapiling sa mga nakaw na pagsuyo lagi silang nangangarap na sana'y sila lang ang tanging mahal. 

Aray! Tagos. Wasak. Sakit sa heart nung song di ba? Kung isa ka sa mga pakbet eh theme song mo na ang kantang 'to at paulit-ulit mong papakinggan habang umiiyak ang puso mo dahil ang song na 'to ay tugmang-tugma sa lovelife mo. Ang masakit pa nyan, sa buhay ng pakbet, there will never be guarantees kaya they just have to live with it. Choice mo yan eh.

LIHIM by Orange and Lemons

Never heard of this song before, nakita ko lang sa internet yung lyrics. It goes like this... "Di na malilimutan pa sa bawat sandaling ako'y iyong hagkan. Ang 'yong mga halik sana'y wag nang matapos pa. Aking nadarama sa tuwing kapiling ka ako'y nasasabik. Sa'yo lamang ilalaan ang isang ligayang walang hanngan kahit na nagsasalo tayo sa isang kasalanan. Bihag tayo ng panahon at pagkakataong puno ng pangambang ika'y mawalay pa. Sana'y wag nang matapos pa. 'Di na mahalaga ang sasabihin nila. Basta't may pag-ibig sa ating dalawa. Sa'yo lamang ilalaan ang isang pagsuyong walang hanggan kahit na nagsasama tayo sa isang kasalanan."

AKIN KA NA LANG by Morisette

Pwede ding isali sa pakbet playlist ang kantang ito kasi paniguradong ito ang gusto nilang sabihin sa taong mahal nila. Kung pwedeng "Akin ka na lang." Yan ang dinarasal nila sa bawat araw. Sino nga ba naman ang hindi gugustuhing maging kanya ang taong pinakamamahal nya. Yung feeling na sayong sayo lang sya. Eh kaso nga hindi pwede kasi may nagmamay-ari nang iba.

NANG DAHIL SA PAG-IBIG by Tootsie

Kung bumirit si ateng Morisette ng "Akin ka na lang," di naman papakabog si Tootsie Guevarra sa pag-awit ng... "Nahihirapan man ako dahil dalawa kaming mahal mo. Wala kang sumbat na maririnig mula sa labi ko. Nang dahil sa pag-ibig natutong magtiis. Nang dahil sa pag-ibig nagmahal ng lubos ang puso kong ito. Nang di umaasang tumbasan mo ang pag-ibig ko. Nang dahil sa pag-ibig sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto mo. Nang dahil sa pag-ibig uumiyak ngayon ang puso ko."

Ganyan sila magmahal. Handang magpakatanga at magpakamartir. Kahit ang sakit-sakit na para sa kanila. At tulad ng mga pa-bebe girls wala ding makapipigil sa kanila at hindi rin sila basta makikinig sa mga payo nyo dahil sasabihin nila sa'yo na... "Puso ko ang susundin ko, pagka't mahal, mahal ko s'ya." Ganun ang emote nila.

NOBODY WANNA SEE US TOGETHER by Akon

Medyo may mga part din ng song na 'to ang makaka-relate ang mga pakbet. Kase nobody wanna see them together. Pero kahit ganun sasabihin nila, "But it don't matter no, 'cause I got you." As much as possible... they gonna fight, believe they gonna fight... fight for their right to love. Yun nga lang, does they have the right to fight for their love? The sad part of being pakbet kasi is you don't have the right kasi nga illegal ka lang, sabit at kadalasan sikretong malupet ang relasyon nyo dahil kung hindi game over na para sa inyong dalawa, swerte mo na lang kung piliin ka nya over number 1. Kaya para safe dapat alam mo kung saan ka dapat lulugar.

SAVING ALL MY LOVE FOR YOU by Whitney Houston

Napaka-popular ng song na ito ni Whitney. "A few stolen moments is all that we share." Di ba unang linya pa lang relate na relate na. Madami din sa mga pakbet ang pinaasa sa mga linyang... "You used to tell me we'd run away together. Love gives you the right to be free. You said be patient, just wait a little longer. But that's just an old fantasy."

Dahil nga sa patuloy silang umaasa at nagbabakasakaling may happy ending silang dalawa...  They are saving all their love para sa mahal nila.

MY ALL by Mariah Carey

Pak na pak din sa Pakbet Playlist ang song na ito ni mareng Mariah. Sa lyrics nito na, "I am thinking of you in my sleepless solitude tonight. If it's wrong to love you, then my heart just won't let me be right. 'Cause I've drowned in you and I won't pull through without you ny my side. I'd give my all for you love."

Aware man silang mali, alam man nilang bawal sige pa din sila kasi nga mahal nila. Siguro mas gusto na lang nila magtiis na may kahati kesa tuluyang mawala ang mahal nila.

LIKE I'M GONNA LOSE YOU by Mhegan Trainor and John Legend

Actually this song is not exactly written for the pakbets out there, but I think may lyrics sa song na bagay sa situation nila. Like dun sa part ni John Legend na, "In the blink of an eye just a whisper of smoke, you could lose everything. The truth is you never know. So I'll kiss you longer baby. Any chance that I get I'll make the most of the minutes and love with no regrets. Let's take our time to say what we want. Use what we got before it's all gone. 'Cause no, we're not promised tomorrow.

Sabi pa sa kanta, "So I'm gonna love you like I'm gonna lose you. I'm gonna hold you like I'm saying goodbye. Wherever we're standing I won't take you for granted 'cause we'll never know when, when we'll run out of time so I'm gonna love you like I'm gonna lose you.

Oh, di ba? Ganyan din ang nararanasan ng mga nasa bawal na relasyon. Nakaw lang ang mga sandali, yung expiration date ng kind ng affair nila may come sooner than they anticipated. Kaya they will cherish the moment na lang na meron sila.

Yan na lang muna for now. Sana somehow maintindihan natin ang pinagdadaanan ng mga other woman. Ikaw anong mas gugustuhin mong pakinggan yung Breakup Playlist o yung Pakbet Playlist?

Labels: , ,



Older Post | Newer Post
About Me


I'm Jen'Lein Jade Larosa Guan, a writer and poet by heart, artistic, creative, intuitive, imaginative, drama queen... always in the midst of soul searching, blogger, a certified FOODaholic.


My Diary Posts My Profile

Credits!

Template by : Cherrybam and NadyaWiwit
Basecode by : Nadya
Header by : Munirah
Sidebar coding : Kak Fatin Full Edited : Jen'Lein Jade Larosa Guan

Best View at GOOGLE CHROME!