Glitter Text Graphics - http://www.sparklee.com Dear Diary... A Lifetime Memory!
Ang Pangarap Kong Bouquet.
Saturday, September 20, 2014 | 0Superstar (s)!

Anong oras na? Eto na naman ako at dinalaw ng isa sa mortal enemies ko. Most of the time nangyayari saken ito. Magigising ako nang ganitong oras para mag-wiwi tapos hirap na ulet ako makatulog kaya siguro alive na alive ang mga eye bags ko (face palm). 

Sa mga ganitong oras din biglang nagiging active ung mga brain cells ko. Ang dami-dami ko naiisip. Minsan may sense, pero mas madalas parang wala. Gaya ngayon. May kung ano na naman kalukahan ang pumasok sa isip ko. Since hindi pa naman ako makatulog, might as well magsanib pwersa muna kami ng bestfriend kong si BB (Blackberry). 

So, what's with the boquet nga ba? Galing kasi ako sa house mg cousin kong si Hazel last night, birthday nya kasi at nakita ko ung bouquet na bigay sa kanya ng jowaers nyang si Anthony. (Kung sa kanya nga galing un o inassume ko lang? Haha!) Nagandahan lang ako dun sa flowers, may Stargazer at Roses pa ata un. Basta cute ung arrangement. 

Sa totoo lang kase never pa ko naka-received ng bouquet kaya dream ko talaga un. Ultimate dream ko pa nga eh makatanggap ng bouquet of Cherry Blossoms fresh from Japan. Sabi ko pa dati papakasalan ko agad ung magbibigay saken noon. Haha! Ang romantic kasi ng cherry blossoms at super favorite ko talaga un. Yung pink Peonies bet ko din, feeling ko lang ako si Blair Waldorf pagka naka-received ako ng ganun. 

Ewan ko ba kung bakit walang nagbibigay saken ng kahit anong klase ng bouquet. Kaawa-awang nilalang lang ang peg? Huhuhu! Haha! Ayan baliw lang? Tawa ulet! Hahaha! Kahit tuwing birthday ko laging cake and some sort of gifts lang ang natatanggap ko. Tuwing Valentines Day mas lalong wala kasi wala naman akong jowa. Noong highschool naman, kung kelan February saka naman walang nanliligaw saken wala tuloy akong flowers na bitbit pauwi. Kaya tuloy kapag nakakita ko ng mga girls na may dalang flowers ang sinasabi ko na lang, "MALALANTA DIN YAN!" (with matching ismid at taas kilay). Haha! 

Ah, may nagbigay naman pala dati saken ng Rose, yung superfriend kong si Aldrin. Binigyan nya kami ni Browha noon, parang Valentines Day ata un. Pero isang pirasong rose lang ata un. But at least di ba nagbigay sya. Pero hindi pa din counted un para sa katuparan ng pangarap kong bouquet. 

Para kasing nakaka-happy ng feeling kapag naka-received ka ng bouquet of flowers. Lakas maka-Miss Universe at maka-artista. Ung bang feeling dyosa ka na kakaway-kaway ka sa crowd at may crown ka pa sa ulo. Or kaya naman seating pretty sa set ng The Buzz at feeling wow matapos mo sumagot sa sa mga controversial issues about you at magpromote ng upcoming movie mo. Showbiz na showbiz lang ang dating. Feeling celebrity? Minsan tuloy gusto ko na tanggapin ung offer saken ng Star Magic nagdadalawang isip lang ako kasi mas gusto pa din ng may privacy ang buhay ko. Haha! Charot! 

Lakas maka-positive energy ng mga flowers eh. Kapag nga November 1 sinasabi ko na buti pa yung mga patay may bulaklak. Kidding aside but it's half meant. Haha! Kaya pagka ako na-deads, gusto ko ipa-cremate ako tapos ilagay ako sa magandang jar tapos naka-display ako sa may altar ng bahay namin, tapos gusto ko araw-araw aalayan nila ako ng magandang bulaklak hindi yung tuwing araw lang ng mga patay ako maaalala. Haha! Kahit tuwing birthday ko lang at tuwing All Soul's Day lang ung bouquet. Pero ayoko nung bouquet na naka-basket or kaya ung itinusok-tusok sa tangkay ng gabi para di agad malanta. Gusto ko pa din yung maganda yung arrangement parang pang araw lang ng mg puso. Pwede din ung may kasamang balloons at teddy bear para mas bongga. Haha! 

Pero juice colored! Ayoko pa naman matsugi noh! Sayang naman ang beauty ko at tsaka madami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Hindi pa time para sa aking final destination. Kahit naman siguro anong sama ng ugali ko eh naniniwala akong may purpose pa din ako dito sa mundong ibabaw. And who knows baka sa banda banda dyan eh matupad ko din itong ultimate dream bouquet ko. Siyempre mas gusto ko pa din matupad yun nang buhay pa ako. Yung pwede ko pa ma-appreciate yung mabagong amoy ng mga bulaklak at yung maganda nitong arrangement. 

Malay natin di ba, sa next Birthday ko baka hindi na lang cake ang matanggap ko. Or kaya naman sa Valentines Day may kumatok na lang sa bahay namin na isang hunk na guy at may dalang bulaklak for me di ba. (Hunk talaga dapat? Haha! Pero Lord kahit yung isang payatot na bata lang dyan, okay na okay na po ako. Kilala mo na po kung sino un. Hihi!). 

At baka nga ang mas pinakamalupet sa lahat, hindi lang ang pangarap kong bouquet ng Cherry Blossoms ang iaalay sa akin baka pati mga bituin sa langit din. Haha! Ilusyonadang frog! Aba wala naman masamang mangarap di ba. Kung suswertehin, baka nga hindi lang pang Valentines na bouquet ang dalhin ko. In God's will eh malay natin wedding bouquet na pala ito! At di lang basta gown na pang Miss Universe ang suot ko, wedding gown na! Ay bongga! Hahaha! 

Kanina usapang bulaklak lang ngayon napunta na sa kasalan! Knock knock Jadie! Gising ka ba talaga o nananaginip na? Teka anong oras na ba. Naaliw na naman ako magtype. Ginahasa ko na naman ng sobra si BB habang nasa dilim. Ayan! Battery too low for radio use na daw si BB. Para bang gusto nyang sabihin saken na: "Jadie, matulog ka na nga! papagpahingahin mo naman din ako. Ako'y gamit din na may puso't damdaming marunong mapagod." Haha! Sige na nga enough na. Pipilitin ko na makatulog. 

Good mornight everyone! :) Pray muna bago matulog, pag-pray natin ang katuparan ng pangarap kong bouquet. Hehehe!

Labels: , ,



Older Post | Newer Post
About Me


I'm Jen'Lein Jade Larosa Guan, a writer and poet by heart, artistic, creative, intuitive, imaginative, drama queen... always in the midst of soul searching, blogger, a certified FOODaholic.


My Diary Posts My Profile

Credits!

Template by : Cherrybam and NadyaWiwit
Basecode by : Nadya
Header by : Munirah
Sidebar coding : Kak Fatin Full Edited : Jen'Lein Jade Larosa Guan

Best View at GOOGLE CHROME!