Glitter Text Graphics - http://www.sparklee.com Dear Diary... A Lifetime Memory!
Ang Misteryo ng pH care
Saturday, September 20, 2014 | 0Superstar (s)!


Dear Jadie, 

Itago mo na lang ako sa ilalim ng lamesa, este sa pangalang Sexy. Gusto ko lang ibahagi ang isang pangyayari sa aking buhay na tunay namang nagpabagabag sa aking kalooban. 

Ilang buwan na rin mula nang magsimula kaming lumabas-labas ni Macho, siya ang aking ka-FWBPAF (Friends with Benefits, Perks and Freebies). Ito ang tawag ko sa aming samahan dahil sa totoo lang wala naman talaga kaming romantic na relasyon. Oo nga at boyfriend material itong si Macho, gwapo sya, and when I say "gwapo," combination ito ng magandang mukha at katawan. May maganada din syang trabaho. Masasabi ko din na mabait sya, may sense of humor at talaga namang masarap kasama. Pero wala naman akong spark na nararamdaman para sa kanya. Hindi ko alam kung ganun din sya saken. Basta ang alam ko lang, we both want to have fun. No labels, no attachments, just for fun. 

Gorabels lang naman ako palagi kapag nagyayaya sya. Eh siempre may "benefits" kahit di naman kami. Andyan din ang masayang kwentuhan at kulitan bilang "perks". May libreng food or kaya Starbucks bilang"freebies" kung minsan may take out pa. Since madalas bored ako eh di might as well grab the opportunities na lang. 

Noong medyo bago-bago pa lang, nag-worry ako na baka ma-fall ako sa kanya tapos ang ending boom panes lang pala. Kaya naman nag-build na agad ako ng walls between us. At isang imaginary signage na "BAWAL MA-INLOVE." Okay na un para iwas heartaches di ba. 

Anyway mabalik na tau sa gusto kong i-share. Nong isang gabing napadpad ako sa place nya at nakigamit ako ng banyo, may bigla akong nakita. May sachet ng feminine wash sa lagayan nya ng toiletries. (Take note pH care na color pink pa yun). Nawindang naman ako. Bakit may ganun sa banyo ni Macho? 

Lumipas ang gabi ng hindi ko natanong un sa kanya. Naihatid at naihatid nya ako sa bahay na maraming tanong sa aking isipan. 

Una, gumagamit sya ng feminine wash? Bading kaya si Macho? 

Pangalawa, may ibang babae pa si Macho? 

Alin kaya sa dalawa? 

One week din na naging palaisipan saken ang ph care incident na yun. Hanggang sa next naming pagkikita, di ko na napigilan na tanungin sya. Sabi ko: "Bakit may pH care ka sa banyo?" 

Sabi naman nya: "I used to work at Unilab. Marami natira, matagal na un." Then sabi ko naman: "Eh sino gumamit nun? Ikaw?" Sagot nya: "Hindi. Ung mga pinsan ko and si mommy kapag pumupunta sila dito." 

I was never convinced by his answer. Ewan ko ba tamang duda lang talaga ako. And I examined his expression during our conversation, napaka-unsual ng reaction nya. Sobrang blank or should I say, napaka-poker face. Noon ko lang sya nakitang ganun. Kaya malakas ang kutob ko may tinatago si Macho. Maaring tama ung pangalawang hinala ko. Well at least di na ako magwoworry dun sa una ko analysis. 

Teka ano nga ba ang mas masakit ung bading pala si Macho o yung may iba pa syang babae? 

Ay ewan! Bakit ko nga ba iisipin pa un eh FWBPAF lang naman kami. Sa mga ganitong sitwasyon I just have to seize the moment. Enjoy enjoy na lang muna and most importantly wag mag-invest ng emotional attachments kung hindi mo pa lubos na kilala yung tao. 

Pasensya ka na pala kung na-istorbo pa kita. Actually, hindi naman ako humihingi nga payo o opinion mula sayo. Keber ko ba naman sa sasabihin mo. Alam ko naman na madami ka ding kadramahan sa buhay eh bakit ko pa namn dadagdagan di ba. Trip ko lang sulatan ka, wala kasi ako magawa dito sa bahay eh. 

Hanggang dito na lang ang sulat ko. Thanks a lot sa pag-eexert ng time na magbasa nitong kaechosan ko. Till next time, sana di ka maimbyerna saken. Peace! 

Nagpapapansin, 

Sexy

Labels: , ,



Older Post | Newer Post
About Me


I'm Jen'Lein Jade Larosa Guan, a writer and poet by heart, artistic, creative, intuitive, imaginative, drama queen... always in the midst of soul searching, blogger, a certified FOODaholic.


My Diary Posts My Profile

Credits!

Template by : Cherrybam and NadyaWiwit
Basecode by : Nadya
Header by : Munirah
Sidebar coding : Kak Fatin Full Edited : Jen'Lein Jade Larosa Guan

Best View at GOOGLE CHROME!