Glitter Text Graphics - http://www.sparklee.com Dear Diary... A Lifetime Memory!
Kwentong #Boompanes
Monday, May 26, 2014 | 0Superstar (s)!

Matagal ng walang lovelife si girlaloo mula ng mgbreak sila ng ex jowaers nya at dahil 2014 na, hoping galore ang lola mo na mgbloom na ang buhay pag-ibig nya. Isang araw may nakilala syang guy. Aba at in fairness yummyness at fafable itong si guylaloo. Pasok sa bangga ang mga characteristics na hinahanap nya. Napa-Oh my G! naman agad siya at may Lord, this is it pa ang drama ng lukaret.

Nasa getting to know each other stage na ang dalawa. Chat chat, text text at tawagan pa sila araw-araw. May certain excitement si girlaloo everytime na tumunog ang cellphone nya. Happiness overload ang peg ng loka Bet na bet na nya si guylaloo dahil he seem so nice naman daw. May sense kausap at sweet din naman ang lolo mo kaya naman di maiwasan ni girlaloo na mahulog ang loob sa lalaking ito.

Habang tumatagal lalong lumalalim ang interes nya kay guylaloo. Kulang na lang eh imbestigahan nya ang buong buhay neto. May pagka detective Conan kasi itong si girlaloo. Feel na feel na nya na baka itong si guylaloo na nga ang prince charming na hinihintay nya na magbibigay kulay sa kanyang boring na buhay.

Tumagal-tagal pa ang feeling feelingang akalang love story na ni girlaloo at guylaloo ng biglang isang araw...

May nakita itong si girlaloo... isang _________ (di sinabi kung ano. Secret na lang daw un!) Hmmm? Ano kaya un? ??????????? Question mark... Question mark... Question mark. ISANG MALAKING QUESTION MARK! Hulaan natin? MAY DINE-DATE NA IBA SI GUYLALOO? MAY GIRLFRIEND NA SI GUYLALOO??? MAY ASAWA NA SI GUYLALOO? SI GUYLALOO AY ISANG GIRLALOO? Hala! Madam Auring, may I borrow your bolang kristal?

Ayan sabi na kasi always stick to rule #1: NEVER EXPECT, NEVER ASSUME! Nuknukan kasi ng pagiging Ms. Feelingera/ Ms. Assuming itong si girlaloo kaya ayan tuloy ang ending, siya ay na-#BoomPanes! Gumuho bigla ang mundo nya. Yung inaakalang lovelife na eh na-untsame pa! Buhay nga naman oh! Di natin minsan alam kung malas lang o talagang pinglalaruan tayo ng tadhana. Saklap naman!

Kaya babala: wag agad mg-expect, wag agad mag-assume. Di lahat ng pinapakita, ginagawa, o ipinararamdam ng isang tao sa atin eh yun na ung totoo. Mapanlinlang ang mga salita kung minsan pati na rin ang gawa. Ang mundo any isang malaking stage at ang tao ay ang mga performer ng mga storya at pangyayari sa buhay. Wag paka-asa! Wag padala sa emosyon. Paganahin ang woman's instinct. At higit sa lahat WAG TATANGA-TANGA para sa huli hindi ka ma-#BoomPanes!

Hahahahhahahahaha! :D

Disclaimer: Based on own experience? Oi, wag kang kumeme, hindi ako si girlaloo ha! (Almost? Hahahaha!) Ang storyang ito ay pawang kathang isip lamang at nabuo ng aking malikot na isipan.

Labels: , , ,



Older Post | Newer Post
About Me


I'm Jen'Lein Jade Larosa Guan, a writer and poet by heart, artistic, creative, intuitive, imaginative, drama queen... always in the midst of soul searching, blogger, a certified FOODaholic.


My Diary Posts My Profile

Credits!

Template by : Cherrybam and NadyaWiwit
Basecode by : Nadya
Header by : Munirah
Sidebar coding : Kak Fatin Full Edited : Jen'Lein Jade Larosa Guan

Best View at GOOGLE CHROME!