Glitter Text Graphics - http://www.sparklee.com Dear Diary... A Lifetime Memory!
Nasaan si SPARKLE?
Sunday, February 23, 2014 | 0Superstar (s)!



It's been a long time since my last entry. I missed this, typing random thoughts and feelings. Most especially ang pinakagasgas na topic sa lahat... ang LOVE! Yun oh! Tamang-tama naman at Love month na, Ayie! Madami na naman ang magpopost ng kung anu-ano ka-cheesyhan, mga hearts, flowers, chocolates at mga lovers na nagde-date. Kilig much ang mga peg habang ang iba ayun, NGANGA! Hahahaha! Yung iba naman bitter-bitteran ang peg. Pag hindi single eh mga broken hearted. Ako? San ba ako kasali? Hehe! 


Well well well, as usual dun sa mga single na walang ka-date sa araw ng mga puso. Pero keribels lang. Sanay na. Haha! Isa lang ang sure bukas, eeffort ako at surely, totally, definely MAS MAGANDA ako bukas! Hihi! Anong malay natin baka biglang may panain si kupido at yayain akong i-date bukas. Who knows di ba? Charot! 



I always dream of my own fairy tale romance. Feeling ko isa akong damsel in distress na waiting sa kanyang knight in shining armour. O kaya naman mala-Sleeping Beauty at Snow White na naghihintay ng halik ng tunay na pag-ibig. Or kaya naman un mala-Korean novela na lahat gagawin nya para sau, ipaglalaban ka nung guy kahit hanggang kamatayan. Haha! Ang corny lang. 



Speaking of corny. Naalala ko lang, may nakapagsabi saken noon pag corny daw totoo. At bigla ko rin lang naalala. Once upon a time my isang guy nga pala na nagkandarapa at sobrang nagmahal saken noon. Yung guy na makulet, ng-umeffort na sumulat ng 3 pages na letter. Yung guy na nagsabi saken ng harapan na... "Mahal kita, seryoso ako mahal kita." Kaya nga lang sa kasamaang palad sobrang in love ako noon sa iba tapos un din yung time na may isang manlolokong dumating sa buhay ko na naging dahilan kung bakit takot na akong magtiwala at magbigay ng chance to prove himself. Kay ayun si guy na so much in love saken eh binalewala ko lang. 



Ahaha! Bakit ngayon ako kinilig bigla sa mga alaala na un. Samantalang noon deadma lang at natatawa ako sakanya. Right after college, di na rin naman kami nagkita pa. Wala na rin akong balita sakanya. Napaisip tuloy ako? Mahal pa rin kaya nya ako? Wahaha! Anyway, I wish him all the best. Ang mga tulad nya na wagas kung magmahal ay karapat-dapat lang makatagpo rin ng wagas at tunay na pagmamahal. 



May darating pa kayang ganoong guy sa buhay ko? Hihi! Sana! The search is not yet over. Sa ngayon open ako sa dating. Actually I went out on a dinner last week. He's kinda ok naman kaya lang meron talaga akong certain na hinahanap at un ang mahiwagang si "SPARKLE." Oh, hindi ito ung brand ng softdrinks ha. I'm looking for this kind of magical feeling na parang tatalon na yung puso mo sa saya at kilig makita mo pa lang s'ya. Yun bang magniningning yung mga mata mo, yung parang ikaw at s'ya lang ang tao sa mundo. Yung moment na ang lakas lakas ng tibok ng puso mo at para bang may fireworks pa sa langit. Yung parang feeling mo love is really in the air. Chichay at Joaquin lang ang eksena. Mala-fairytale ang dating. May MAGIC, may SPARK! 



How did I know that feeling? Simply because ilang beses ko na rin naman naramdaman ito noon. And now hoping na ma-experience ko ulet ung ganung level ng happiness. I still want to belive na mahahanap ko ulet un. Pero kanino? Saan, kailan at paano? Nasaan na nga ba si SPARKLE? 



Paano kung nakulong na yung spark dun sa taong nagparamdam saken neto noon? Kaya hindi ko na mahanap yun sa iba ngayon? Mahirap un! Whenever I'm with someone else, Katy Perry lang lagi ang peg. Thinking of you ang official soundtruck! Nakuuu! Palaging may comparison, palaging may missing piece. Ung One Piece na kay Luffy ata sumama sa karagatan, tinanggay ng alon. Haha! Saklap! Pero sana, sana talaga mahanap ko pa ulet si SPARKLE! Yung mgpapatotoo sa magic ng pag-ibig. SPARKLE come over here. Haha! Tama na nga ang kalukahang ito. 



HAPPY LOVE MONTH na lang sa ating lahat. :)

Labels: , , ,



Older Post | Newer Post
About Me


I'm Jen'Lein Jade Larosa Guan, a writer and poet by heart, artistic, creative, intuitive, imaginative, drama queen... always in the midst of soul searching, blogger, a certified FOODaholic.


My Diary Posts My Profile

Credits!

Template by : Cherrybam and NadyaWiwit
Basecode by : Nadya
Header by : Munirah
Sidebar coding : Kak Fatin Full Edited : Jen'Lein Jade Larosa Guan

Best View at GOOGLE CHROME!