Ang Kasalukuyang Estado ng Puso ni NeneSunday, February 23, 2014 | 0Superstar (s)!
Bigla na lang pumasok sa isip ko yung title na yan. Siguro dahil na rin sa mga echoserang pumapansin sa aura ko lately. Sabi kasi nila blooming daw ako ngayon... IN LOVE? Natatawa na lang ako sa kanila. Porke blooming in love agad? Di ba pwedeng maganda lang talaga ako? Hahaha! Chos!
Eh bakit nga ba? Anyare saken? May nagbago nga ba talaga? Siguro natututo lang ako mag-ayos sa sarili ko. Before kasi wapakels lang ako sa looks ko. Tamad na tamad nga ako magsuklay at mag-ayos. Kung ano ung ayos ko pag umalis ako ng bahay yun na 'yon mag-hapon. Pero ngayon nagagawa ko na mag-re-touch pag may time.
Kelan ba ngsimula yon? Simula nung natuto akong mag-move on? Haha! O noong naramdaman kong napapag-iiwananan na ako ng panahon at hanggang ngayon ay bokya pa din ang aking lovelife? O pwedeng noong nakilala ko si __________, 'coz he brings out the best in me lang ang drama ko sa buhay? Haha! May ganun? Or pwede din naman mala pokemon lang ang peg ko... nag-evolve! Charot!
Baka nga naman totoo ang sabi nila... Na IN LOVE ako? OMG! Dug-dug-dug-dug! Yan ang sabi ni heart. Kanino naman? Haller?! (Nagtanong pa pero at the back of my mind eh may isang tao ng pumasok sa isip ko) Wahehe! Chos lang! Teka chos nga lang ba talaga o in denial lang ako? Pasensya na at tinotoyo na naman ang utak ko. Ganito lang talaga ako. Mas madalas na sinasarili ko lang ang totoo kong nararamdaman kaya dinadaan ko na lang sa pag-susulat. In writing, I can express anything. Yung totoong nilalaman ng puso ko. Yung mga bagay na di ko kayang sabihin ng harapan sa iba. Yung mga bagay na umiikot sa shunga shunga kong utak. Kahit minsan non-sense ang dating, love ko lang talaga ang magsulat.
Kaya heto ako ngayon kahit dis oras na ng gabi mulagang-mulaga pa din at panay ang tipa sa keypad ng bestfriend kong si BB (Blackberry). Yup, kahit may pagka-eng eng minsan 'tong BB ko mahal na mahal ko 'to. Siya lang ang may alam ng lahat ng mga sikreto ko sa buhay, lahat ng masasaya at malulungkot na eksena sa aking buhay pag-ibig. Marahil alam din nya ang estado ng puso ko ngayon. Ang damdaming hanggang ngayon di ko pa rin maamin sa sarili ko. Nasa kanya ang mga ebidensya, mga mensaheng di ko binubura, most viewed profile sa fb, mga kantang relate na relate ako, mga ka-artehang tweet at bbm status. At siempre mawawala ba naman ang mga larawang madalas kong pagmasdan lalo na kapag sobrang miss na miss ko na yung taong yun. Kahit na ilang beses ng binura binabalik at binabalik pa din. Ganun talaga, baliw lang.
So ano? In love nga ba ako? OO? SIGURO? Love na nga bang matatawag 'yun? O maxado lang akong nadadala sa mga memories na meron kami ng taong 'yun? Saglit na panahon lang ang pinagsamahan namin love na agad? Pero kung sabagay hindi naman biro ang panahong yun. Historical nga kung tutuusin. Phenomenal pa nga di ba. Haha! Yung tipong mapapa-kanta ka pa ng "A moment like this...blah blah blah." Haha! Sasabayan pa ng One Direction na "Baby, let me be your last, your last...blah blah blah." Ayan topak na naman ako at dinaan pa sa kanta. Cenxa na, feeling singer lang.
Oh lumigoy-ligoy na ang topic. Daming pasakalye! Walang focus. Failed agad kung para sa writing subject ito. Weh, keber ko naman. Ako writer neto kaya walang basagan ng trip.
Back to our topic...
Status: SINGLE. At ang puso: IN LABABO! Ayun na! inamin na! Sabi nga ng mga beki... Confirmed! Kaya lang, I hate this feeling. Kasi naman victim of love na naman ata ako. Same old story, AASA na naman? MAGHIHINTAY na naman sa wala? Yung parang libro lang ni Ramon Bautista na "Bakit di ka crush ng crush mo."
Ok naman kami noon, akala ko nga may papatunguhan ang lahat ng nangyari pero it seems everything is merely a short term romance. Masakit lang din na in the end ako na naman ang na-trap sa bitag ng pag-ibig. Ok pa din naman kami ngayon, bihira nga lang mg-communicate kasi nga long distance tapos chickboy pa ang loko. Kaya yun!
Ayoko ko na maulit ung almost 8 years na umasang may happy ending. Yung almost 8 years na naniwalang someday we'll end up together. Na in reality naman WALA talaga! Friendzone sabi nga nila.
This time ayoko na maulit un. Oo na! Mahal na kung mahal ko sya. Pero please lang! Enough is enough! Mabuti pang habang maaga itigil na ang kahibangang ito. Alam ko din naman kasi kung ano lang ang papel ko sa buhay nya. Sobrang eng eng ko lang kung umasa pa ako. Kaya ngayon pa lang ako na ang uumpog sa sarili ko baka sakaling matauhan ako. Haha!
Anong petsa na, ang haba na ata neto. Mabuti pang bigyan na natin ng conclusion ang ka-ek ekang ito...
Yes! IN LOVE si nene sa isang maling tao. Kaya dapat pigilan na lang ito bago pa tuluyang lumalim ang kahibangang ito.
Kaya ngayon ang kasalukuyang estado ng puso: CHILL
Chill na lang muna ang puso and mas lalong pabonggahin ang kagandahan. I'm gonna let love chase me. Ang taray! Hehe!
May dadating pa naman, relax lang. Who knows sya na pala. Yung taong worth the wait. Stay positive lang.
Pain makes me strong. :) :) :)
Labels: -Drama Mode, -Love Story, -Romance, -Something Personal |
About Me ![]() I'm Jen'Lein Jade Larosa Guan, a writer and poet by heart, artistic, creative, intuitive, imaginative, drama queen... always in the midst of soul searching, blogger, a certified FOODaholic. Credits!
Template by : Cherrybam and NadyaWiwit
Basecode by : Nadya Header by : Munirah Sidebar coding : Kak Fatin Full Edited : Jen'Lein Jade Larosa Guan
![]() |