Lablayf: Istorya ng kadramahan, katangahan, kaartehan atbp.Friday, March 22, 2013 | 0Superstar (s)!
Ako si Nene, isang certified member ng NBSB (No Boyfriend Since Birth). Marami ang nagtataka kung bakit sa ganda ko daw bang ito ay never pa akong ngka-bf. Kahit ako tinatanong ko din yan sa sarili ko. Bakit nga ba? May mga personal naman akong dahilan.
Una na marahil ung naging karanasan ko noong highschool. Marami ang nagtangkang manligaw sa akin noon pero ewan ko ba maxado akong naging attached sa first love ko noon, na kung hindi rin lang s'ya eh hindi na lang ako magmamahal ng iba. Halos anim na taon din umikot ang mundo ko sa kanya. Hanggang sa may nakilala akong guy, pinsan ng kaibigan ko. Tinanong nya ako kung pwede daw ba siyang manligaw, pumayag naman ako. After series of pagkikita and getting to know each other moments unti-unti kong naramdaman na nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Pero sa kasamaang palad nalaman ko na nililigawan din pala nya ung malapit kong kaibigan. Hayup na yun! Manloloko! Siya lang ung first and only guy na binigyan ko ng chance na manligaw tapos ganun pa ung ginawa nya. Kaya simula noon di na ulet ako ng-entertain ng iba. Yung feeling na kahit gaano ka-sincere ung ibang guy di ko na maalis ung doubt na baka lokohin lang din nila ako. Kaya un deadma na lang sa mga nagkakandarapa sa beauty ko. Hahaha!
Kahit naman ganun ang nangyari di naman ako nagsawang magmahal. Di ba nga sabi ko ung first love ko inabot ng anim na taon. Yun nga lang wala din naman pinatunguhan. After nya kasi mg-graduate ng highschool di na ulet ng-krus ang landas namin. Pero after naman nun, na-inlove ulet ako. College days, sa malapit kong kabarkada. Dahil na rin siguro sa mga nice qualities nya kaya di ko naiwasang mapamahal s'ya saken. Hindi naging madali ang lahat anjan ang walang kamatayang choice between "friendship and love." Plus the fact na imposible talaga kami. Kung ano man ang dahilan sikretong malupet na lang yun. Sa kabila ng mga pangyayari malaki pa din ang respeto at pagmamahal ko sa taong yun kaya secret na lang.
Pangalawang reason na rin siguro yung pag nagmahal ako wagas. Sagad to the bones. Yung walang ibang gusto kundi ung taoung un lang. Na kung di rin lang siya di bale na lang. Sarado na ang puso at isip para sa iba. Mahabang panahon din ang ginugol ko sa pagmamahal sa kanya. Almost 8 years din akong umasa at naghintay sa wala. Wala din pinatunguhan ang paghihintay ko kahit kulang na lang tumulay ako sa alambre at kumain ng bubog para lang maipakita at maiparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. Kung kapalan din lang ng mukha, naku! Nilunok ko na ang pride ko para lang sabihin sa kanya ng harapan ang nararamdaman ko. Oo, you read it right! Ako na nga ata ang nanligaw sa mokong na yun pero wala basted. Shuktay ang beauty ko sa kanya. Ganun lang nga siguro, hanggang magkaibigan lang talaga kami. Bago matapos ang taong 2012 tinapos ko na din ang kahibangan ko. Na-realize ko na madami na rin akong naaaksayang panahon, although kung tutuusin wala naman akong pinagsisishan. Basta ang alam ko lang nagmahal ako ng totoo. Sa ngayon, ok naman kami. As much as possible gusto kong mapanatili yung pagiging magkaibigan namin. Nandito pa rin naman ako palagi para sa kanya. Marahil di na gaya ng dati yung pagmamahal ko sa kanya pero isa pa rin s'ya sa mga taong mahalaga sa buhay ko.
Pangatlo, siguro nga may pagka-choosy ako. Mataas ang standards pagdating sa lalaki. Dapat-ganito, dapat ganyan. Kahit na may mga matitinong nagkakagusto saken, di ko ine-entertain. Madami-dami na rin akong napalampas na pagkakataon para magkaron ng karelasyon. Kung sino lang ung gusto ko un lang talaga. Kahit kung tutuusin ay malayo naman sa mga standards na isi-net ko yung minamahal ko. Palaging exemption to the rule kaya ang ending, kakapili eto nganga!
Pang-apat, yung thought na may magmahal nga kaya sa akin ng totoo? Yung tatanggapin ako at mamahalin ako ng buong-buo sa kabila ng mga insecurities at negative things about me. Pati na din yung health condition ko. Di ko maiwasan magkaroon ng hesitation dahil doon.
Yan na nga marahil ang sagot sa katanungan kung bakit nanatili akong single sa loob ng mahabang panahon. Well, hanggang ngayon naman single pa din ako. The wait for my knight in shinning armor is not yet over.
After ko makapag-decide na mag-move on ayun inirampa ko na ang beauty ko. Nakipagkilala sa iba. Sinubukan ko din makipag-date kung date nga bang matatawag un. Haha! Sa dinami-dami ng bagong nakikilala ko merong isang tao na nakapalagayan ko ng loob. Ewan ko ba, iba ang charm ng lalaking 'to. Madali akong naging komportable sa kanya. Kung ano man ang namagitan sa aming dalawa ay hindi ko na idedetalye pa. Baka ma-MTRCB pa tayo. Chos! Akala ko siya na ung taong hinihintay ko. Hindi pa rin pala. Nagkamali na naman ako. Ang lahat ay isang malaking kahibangan. May mga bagay akong nagawa, may mga bagay din na nawala na hinding-hindi ko na maibabalik pa. Magsisi man ako ay huli na. Ganun nga siguro kapag padalos-dalos ka sa mga desisyon mo. Kapag maxado kang nagpadala sa matatamis na salita na sa totoong buhay ay pawang kasinungalingan lang. Kapag hindi mo kinontrol ang emosyon at bugso ng damdamin mo.
Kaya heto na naman ako ngayon, umiiyak at nasasaktan. Hindi pa rin ako ba napapagod? Paulit-ulit na lamang. Bakit sa akala nyo ba madali lang ang lahat? Ayoko din naman ng ganito, nakakasawa na din kaya. Lahat naman handa kong gawin at ibigay sa ngalan pag-ibig pero bakit palagi pa ring kulang. Matalino akong babae pero pagadating nga ata sa larangan ng pag-ibig saksakan ako ng bobo. Dakilang tanga. Yan ako!
Ganun pa man, ayoko sukuan ang pag-ibig. Darating din naman yan in God's time. Mahirap madaliin ang lahat kung hindi pa naman talaga para sa akin. Mabait naman si Lord, at mahal nya ako... Naniniwala pa rin ako na may maganda siyang plano para saken. Relax lang muna ako. Kung ano man ang mga pinagdaanan at pingdadaanan kong sakit at pighati ngayon dahil sa love love na yan alam kong matatapos din ang lahat. Magiging happy din ako. Sa bawat patak ng luha sa aking mga mata ay may mga aral akong natututunan. Ang mga lalaking minahal ko at dumaan sa aking buhay ay magiging mga alaala na lamang. Sila ang mga dahilan kung bakit ako mas nagiging matatag sa buhay. Lumuluha man ako at nasasaktan ngayon, I know I will be alright.
Sa ngayon, gusto ko muna matutunan na mahalin at mas pahalagahan pa ang sarili ko. Yan kasi ang bagay na matagal nang kulang sa akin. Marahil un din ang gusto ni Lord para sa akin. Sino nga ba naman ang magmamahal saken kung ako mismo hindi ko kayang mahalin ang sarili ko di ba. Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata. Update kita for sure. Kaya ko 'to! :)
Labels: -Drama Mode, -Love Story, -Something Personal |
About Me ![]() I'm Jen'Lein Jade Larosa Guan, a writer and poet by heart, artistic, creative, intuitive, imaginative, drama queen... always in the midst of soul searching, blogger, a certified FOODaholic. Credits!
Template by : Cherrybam and NadyaWiwit
Basecode by : Nadya Header by : Munirah Sidebar coding : Kak Fatin Full Edited : Jen'Lein Jade Larosa Guan
![]() |