Ang Tunay na Damdamin ni Nene para kay Totoy :)Sunday, February 24, 2013 | 0Superstar (s)!
Naalala ko ko nung
unang beses mo akong tinanong kung gusto kita, di ako nakasagot dahil
sobrang awkward ng tanong na yun. Pakiramdam ko tuloy nasa hot seat ako
noon at sure ako namula ang pisngi ko sa hiya daig pa ang naglagay ng
sandamakmak na blush on. Sabi ko sau bakit mo pa tinatanong sabi mo
naman gusto mo lang malaman. Ang sabi mo pa nga ang simple lang naman
ng sagot: “oo” o “hindi” lang. Di pa rin ako nakasagot. Sabi mo naman:
“Silence means yes”. Aba assuming ka rin ano? Sabay tanong kung ano ang
nagustuhan ko sau eh wala naman kagusto-gusto sau.
Napaisip
naman tuloy ako. Ano nga ba ang talagang nararamdaman ko para sau.
Heto ako ngayon nagmumuni-muni, nagninilay-nilay. Noong una kita
naka-chat sa bbm, ang una mo sinabi: “Asl?”. Tapos dun na nagsimula ang
conversation natin. Nalaman ko ang full name mo, age, location at
profession. Sabi mo seaman ka, sabi ko naman, ah “seamanloloko” Sabi mo
hindi ka ganun sabi mo pa nga: “Kayong mga babae nga ang manloloko at
mga paasa.” Natawa naman ako sa sinabi mo, di ko akalain na may mga
sentimiento din palang ganun ang mga lalaki about sa mga babae. So sabi
ko sau di ka nga “seamanloloko” ikaw ay “semanaloko” Haha! Hindi ko
akalain noon na magiging malaking parte ka ng buhay ko. Akala ko isa ka
din sa mga walang kwenta at boring na kausap sa bbm na pagkatapos
mgpakilanlanan wala na, pandagdag na lang sa sandamakmak na contacts.
Pero hindi pala, akalain mong okay ka naman pala kausap. Makulit,
mahilig mangbwisit at lakas mang-asar. Asar-talo nga ako sau palagi di
ba? Never pa ako makaisa sau. Lalo na nung una tau mg-meet via skype
noong Jan 14. Hinding-hindi ko makakalimutan ung sinabi mo na: “bakit
ang laki ng mata mo? Bakit ang laki ng pisngi mo?” Oh di ba.. Panira ka
agad ng moment! Pero siempre nabaliwala naman un nung bigla mo sabihin
na: “bakit ang cute mo” Kilig-kiligan naman daw ako bigla. Nung time na
un di ko din akalain na magiging komportable ako kausap ka, although
mejo conscious din ako sa cam.. Sabi mo nga pa-cute ako. Di lang kasi
ako sanay, kaw pa lang naman kasi ang unang guy na naka-skype ko, well
aside sa mga relatives ko abroad. Yun nga lang naputol ang conversation
natin kasi nawalan ng kuryente kaya nawalan din ako ng internet
connection. Pero tuloy naman ang kulitan sa bbm. Then Jan 17 skype
moment ulet.. Same pa din.. Kulitan at eto na nga ung moment na tinanong
mo ako kung gusto kita. Hay!
Kahit madalas mo ako
asarin na mukha akong bata, nene, siopao at pinaka-worst na tawagin mo akong
manang.. Sabi na ngang late bloomer lang pero pingpipilitan mo pa din
ang manang! Asar talo na naman ako. Pero ok lang, dun naman din
nagsimula ang tawagan nating “totoy” at “nene” Pikon na pikon ako sa
mga hirit mo pero siempre yun din yung mga times na pinapakilig mo ako.
Di ko maintidihan ang sarili ko kung bakit kahit na may mga negative
things ako na nalalaman about you wapakels lang ako. Mas lalo pa rin
kita nagugustuhan at mas lalo ko pa gustong mapalapit sau. Parang ang
sarap-sarap mong alagaan. May ganun? Haha! Kahit na nga 2 years younger
ka saken ok lang. Kahit naman magkaiba ang trip natin sa buhay feeling
ko naman ngja-jive tau kahit paano. Sobrang child like ng hilig mo..
Anime at computer games. At makakalimutan ko ba naman ang favorite mong
si Luffy? Magkamukha na nga ata kau. Haha! Samantalang ako di ko trip
ang ganyan. More on reading, writing, blogging at photo editing naman
ang pingkakaabalahan ko. Totally different tau pero sabi ko nga sau di
ba opposite attracts nga daw sabi mo naman parang magnet lang. Ganun
naman talaga di ba, mas ok un.. We’ll learn from each other.
Jan.
22 another skype moment and dun natin napag-usapan to meet up in
person. Ang unang usapan Feb 9 pero humirit ka pa. Di makahintay.. Ako
naman napapayag bigla. And yun na nga, Jan 26… Ang BIG day nating
dalawa.. 11 am ang usapan sa Gateway pero siempre sa kabagalan ko
kumilos at maxado pa ako nagmaganda ayun almost 11 am na ko nakaalis ng
Lipa. 1 and a half hours ka ata nghintay dun. And nung finally nagkita
na din tau grabe siempre ang kaba ko parang may butterflies sa stomach
ko at shaking pa ang hands ko. You asked me kung ok lang ba ako sabi ko
naman hindi. Kasi hindi naman talaga ako ok that time.. Super kabado.
Nakakatawa lang ang eksenang un. Parang gusto ko na maiyak sa kaba.
Sabi mo naman maglakad-lakad muna tau para ma-relax ako. Nanliit naman
ako maxado bakit kasi 5’9 ang height mo. Haha! Todo heels pa tuloy
ako.. Effort sa pagrampa ha! Somehow na-relax naman ako.. May konting
kaba pa din pero eventually naging komportable na din naman ako kasama
ka. Nakaka-conscious nga lang nung mag-lulunch na tau. Di ko
malilimutan ung ako ang pina-order mo ng food ang sabi mo pa: “order ka
na, yan ang gawain ng girlfriend taga order” di ko alam kung turn off
ba un o hindi.. Nasabi ko na lang “di mo naman ako girlfriend” ang sabi
mo naman: “ok na yan, para masanay ka na” Ok, di na lang ako ng-react
at ako na nga ang umorder alam ko naman din na gutom na gutom ka na.
Awkward lang ung feeling, nakakailang habang pinapanood natin ang isa’t
isang kumain. Haha! Ewan ko ba di ko talaga magawang kumain ng maayos
that time. Ok hanggang dun na lang ang kwento about sa date natin… Yung
ibang moments sa ating dalawa na lang un di ba? Haha! Unforgettable
experience na i will cherish and treasure for the rest of my life.
Mabalik
tau sa pag-aanalize ko ng feelings ko para sau. Ok totoy, aaminin ko I
LIKE YOU… A lot! Well bukod sa fact the cute ka, i mean gwapo ka… Ay
gustong-gusto ko ang personality mo. Walang arte sa katawan.. Walang
insecurities. Sobrang totoong tao lang. Yun nasabi ko na nga kanina na
makulet ka, mahilig mang-asar pero in a nakakakilig way naman. Kahit
anong gawin kong pang-aasar sau di ka man lang napipikon. Kahit madalas
mo ako sabihan na masungit ako at maarte… At adik ako at binobola
kita. Haha! At ako pa ang nambobola? Kahit hinahampas kita at
sinasampal di ka ngrereklamo. Kahit na moody ako at madalas may topak ok
lang sau.. Dinadaan mo na lang sa pang-aasar o kaya naman sa
paglalambing mo.. Basta alam mo na un. No need to explain further. Hehe!
Lakas ng tama ko sau! Ibang-iba yung feeling na kasama at kausap ka.
Madalas
kong pigilan ang sarili ko na mag-message sau kasi di na ako yung
dating jade na palagi na lang gumagawa ng effort to reach out, dati
gawain ko un sa past love ko. At siempre nagpapa-miss lang naman din
ako. Naisip ko din kasi na baka makulitan ka saken pag palagi na lang
ako nagmessage sau. Kaya kahit mahirap yung feeling na di ka makausap sa
loob ng isang araw pinipigilan ko pa rin. Pero pag yung nag-message ka
na at sabihin mong na-miss mo ako.. Ayun! Thumbling naman daw ang puso
ko bigla! Haha! Kung minsan naisip ko din gawin yun para masanay na
din ako na wala ka, na wala na tau communication kasi alam ko sooner or
later mangyayari din yun pagsumakay ka na ulet ng barko. Sabi mo nga
minsan ka lang magkasignal pag nasa port lang kau. Naiisip ko pa lang na
malapit ka na umalis nalulungkot na talaga ako. Although alam ko naman
na kailangan mo talaga umalis at mgtrabaho. Yan ang profession mo, yan
ang buhay mo. Nakakalungkot lang na yung nandito ka nga sa Pinas pero
North-South naman din ang distansya naten ano pa kaya yung nasa
karagatan ka na di ba.
Oo gusto kita pero gusto kong
pigilan ang sarili ko na tuluyang mahulog ang loob ko sau. Ang hirap
naman kasi umasa sau, kasi noong una pa lang sinabi mo na hindi ka na
magmamahal ulet. Well naiintindihan ko naman ung hesitation mo dahil
nga sa past relationship mo. How i wish mabago ko ang feelings mo. Sabi
ko before wag na lang natin pag-usapan ung about sa feelings para di
tau ma-pressure pareho.. Sinabi ko din na ang alam ko lang happy ako na
nandyan ka and sabi mo naman happy ka rin na andito ako.. Sabay hirit
ng: “Daig pa natin ang mg-bf oh” hehe! Masaya yung ganitong feeling na
i’m starting to like somebody else. Almost 8 years din naman umikot sa
isang lalaki ang buhay ko. Kaya i’m glad na dumating ka din sa buhay
ko. Kaya lang di ko pa rin maiwasan isipin kung bakit kailangan mo pa
dumating at bakit nakilala pa kita kung di ka rin naman mag-sstay. Hay!
Sad na naman ako. Naiinis tuloy ako sa sarili ko ngayon! Gusto ko
pigilan ang nararamdaman ko pero parang hindi ko magawa. Maxado pa
maaga para sabihing mahal na kita. Ang sigurado lang ako ay gusto kita.
Gusto kitang makasama at mas lalo pang makilala kaya lang paano pa di
ba? Malapit ka na umalis. Hindi ko sigurado kung hanggang kelan ‘to,
kung ano mangyayari kapag umalis ka na.. Kung magpapatuloy ba ang
nararamdaman kong ‘to.. Kung hihintayin ba kita hanggang sa pagbalik
mo. Ewan! Di ko alam.. Ang dami kong tanong sa isip ko. Bahala na! :’(
Labels: -Drama Mode, -Love Story, -Something Personal |
About Me ![]() I'm Jen'Lein Jade Larosa Guan, a writer and poet by heart, artistic, creative, intuitive, imaginative, drama queen... always in the midst of soul searching, blogger, a certified FOODaholic. Credits!
Template by : Cherrybam and NadyaWiwit
Basecode by : Nadya Header by : Munirah Sidebar coding : Kak Fatin Full Edited : Jen'Lein Jade Larosa Guan
![]() |