Glitter Text Graphics - http://www.sparklee.com Dear Diary... A Lifetime Memory!
Gava de Amor
Tuesday, March 16, 2010 | 0Superstar (s)!



Ang tao nga naman kung minsan ay labis kung humanga
sa mga tao pang madalas kang binabalewala.
At may mga tao rin namang labis magpahalaga
sa mga taong sa iba pa nagkakandarapa.

Siya na nga ang papansinin, pero di ka man lang babatiin.
Siya na nga ang aalalahanin, pero di ito iisipin.
Kapag ito'y nagtampo di man lang susuyuin.
Kapag ito'y nawala sa paningin, hindi na hahanapin.



Paghanga't pagtingin ay lilipas din.
Ang taong mangingibig sa kanya'y magsasawa din
At ang dating iniibig ngayo'y sa kanya bumabaling.
Kung kailan pa sa kanya ito'y wala ng pagtingin.

Babalik-balikan ang mga panahong sila'y magkasama
At sa kanyang pagwawalang bahala, sa sarili ay maawa.
Ang ngiti sa labi'y mawawalang bigla
Kapalit ay kirot sa puso, sabay bagsak ng luha.

Sa muling pagkikita'y kasama siya ng iba
Babalakin mong kausapin pero nandiyan ang iyong kaba.
Makikihalubilo sa kanila pero ika'y maiiba.
Kaya't uuwing mag-isa at tila ba isang aba.



Sa iyong nakaraan ika'y manghihinayang
Wala ka ng masasabi kundi salitang... "SAYANG"
Sa mga sandaling di binigyang puwang
Ang naranasan niya sa'yo noon ay siya mo ngayong nararanasan.

Labels:



Older Post | Newer Post
About Me


I'm Jen'Lein Jade Larosa Guan, a writer and poet by heart, artistic, creative, intuitive, imaginative, drama queen... always in the midst of soul searching, blogger, a certified FOODaholic.


My Diary Posts My Profile

Credits!

Template by : Cherrybam and NadyaWiwit
Basecode by : Nadya
Header by : Munirah
Sidebar coding : Kak Fatin Full Edited : Jen'Lein Jade Larosa Guan

Best View at GOOGLE CHROME!